Duterte, isinabatas ang Covid-19 Vaccination Program Act of 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas ang isang panukalang layong pabilisin ang procurement at pagbibigay ng Covid-19 vaccine.

Kinumpirma ito noong Biyernes ng dating special assistant ng Pangulo na si Senador Bong Go at ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Indeed, we remain committed in our fight against the coronavirus pandemic, and we are using necessary means, such as the enactment of this Republic Act, certified urgent by the President, as a way to start our vaccine rollout,” pahayag ni Roque.

Ang Covid-19 Vaccination Program Act of 2021 ay naglalaan din ng P500 milyon para sa Covid-19 National Vaccine Immunity Fund upang bayaran ang mga mababakunahan sakaling makaranas ang mga ito ng seryosong side effects matapos ang pagpapaturok ng bakuna.

Hahawakan ng Philippine Health Insurance Corporation ang nasabing pondo na kukunin mula sa contingent fund.

Mag-iisyu rin ang Department of Health ng vaccine cards na naglalaman ng basic information tungkol sa pasyente, manufacturer at brand ng ginamit na bakuna, petsa ng pagbabakuna, petsa ng huling swab test, lugar ng pagbabakuna, at mga pangalan ng mga nagbakuna.

Sa ilalim ng bagong batas, pinapahintulutan din ang local government units at pribadong sektor na bumili ng mga bakuna sa pamamagitan ng multilateral agreement sa Department of Health, National Task Force, and at vaccine supplier. 

Maaari ring makapagbayad nang advance payment ang mga LGUs nang hanggang sa 50 percent, at direktang bumili ng ancillary supplies para sa storage, transportation, at deployment ng mga bakuna.

LATEST

LATEST

TRENDING