AFP, sinabing ‘kabayanihan’ ang ginawang pagpapaturok ng PSG ng unauthorized Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Rey Baniquet (Presidential Photo)

Inilarawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Biyernes bilang “kabayanihan” ang paggamit ng unauthorized Covid-19 vaccines ng Presidential Security Group (PSG) noong nakaraang taon.

Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) ngayong linggo, hindi pa nagbibigay ng tugon ang PSG tungkol sa imbestigasyon hinggil sa paggamit ng mga hindi pa awtorisadong Sinopharm Covid-19 vaccine noong 2020.

“For the nth time, atin pong bibigyang diin na ang pagbabakuna po ng members ng PSG ay hindi pakikipag-unahan, panlalamang sa kaninuman,” sabi ni AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo. 

“Iyon po ay isang kabayanihan po actually na tutuusin sapagkat ginawa po nila ‘yon bilang pagsulong ng kanilang mahalagang misyon na protektahan ang Pangulo ng bansa at Commander in Chief,” dagdag pa nito.

Ibinuyag ng FDA na hindi pa sumasagot ang PSG tungkol sa kanilang tanong matapos sabihin ni Mon Tulfo na siya at ilang “Cabinet-level” officials, isang senador, at ilang miyembro ng PSG ay nagpaturok ng sumggled vaccines.

Nitong buwan, nakatanggap naman ng compassionate use license ang PSG para sa 10,000 Sinopharm doses. 

Ang iba namang miyembro ng militar ay nakatakdang tumanggap ng 100,000 mula sa 600,000 China-donated Covid-19 vaccines na darating sa Linggo mula naman sa Sinovac Biotech ng China. 

“Hindi po kami nakikipag-agawan, hindi po kami nakikipag-unahan sa pagbabakunang ito,” ani Arevalo.

Dagdag pa nito, “Ang amin po, kung ano ang mailaan at maipagkaloob sa amin, tatanggapin po muna sapagkat mahalaga sa amin na protektado ang ating mga kasamahan.” 

LATEST

LATEST

TRENDING