Palasyo: Findings ng DOJ tungkol sa drug war, patunay na gumagana ang legal system ng PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ang naging pahayag ng Department og Justice (DOJ) na lumabag ang mga alagad ng batas sa pagsunod sa wastong protocols sa anti-illegal drug operations ay nagpapakita lamang na gumagana aniya ang sistemang legal sa bansa, giit ng Malacañang.

“Itong naunang pahayag ng ating Secretary of Justice ay nagpapatunay na seryoso po tayo sa obligasyon natin na mag-imbestiga at mag-litis,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing sa Negros Oriental.

Dagdag pa nito, “Dahil hinaharap po natin ang katototahan na posible pong may ilang mga alagad ng batas na kinakailangan sigurong managot sa ating batas dito sa Pilipinas.”

Sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevara sa United Nations Human Rights Council ang tungkol sa initial findings ng imbestigasyong pinangungunahan ng kanyang ahensya, kung saan ibinunyag nito na hindi sinunod ng mga awtoridad ang protocols hinggil sa examination ng mga sandatang ginamit ng mga suspek at pagbeberipika sa pag-aari nito.

Lumabag din umano ang mga awtoridad sa standard procedures tungkol sa pakikipagkoordinasyon sa ibang ahensya, sa crime scene processing, at sa inilalabas na report.

“[T]hat proves that our domestic legal system is working at hindi po dapat maghimasok ang ibang mga institusyon,” paliwanag ni Roque.

Paulit-ulit na binabatikos ang administrasyong Duterte sa buong mundo dahil sa madugo nitong kampanya kontra droga, kung saan ilang beses na hinikayat ng Pangulo ang pagpatay sa mga drug lords.

LATEST

LATEST