Duterte: Imposible ang isang ‘pristine clean’ na gobyerno

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules na bagama’t ipagpapatuloy niya ang laban kontra kurapsyon nang hanggang sa huling taon niya sa Malacañang, “imposible” umanong makamtan ang isang “pristine clean” na burukrasya.

Lumikha ang Pangulo ng isang task force na layong paimbestigahan ang malawakang kurapsyon sa gobyerno. Sa kanyang lingguhang talumpati, nagbabasa rin ito ng mga pangalan ng mga opisyal na sinuspinde mula sa kani-kanilang mga posisyon bunsod ng katiwalian.

Aniya, “I would dedicate the last remaining months of my stay in the office of the President going after corrupt people.”

“Do not expect me to entirely clean, pristine clean the bureaucracy. That is impossible, and cannot really be achievable,” giit ng Pangulo.s

Noong 2016, tumakbo si Duterte sa ilalim ng kampanyang layong labanan ang kurapsyon, krimen, at iligal na droga.

Gayunpaman, nalaglag ang Pilipinas nang 14 notches sa 113th spot sa loob ng 180 na mga bansa sa 2019 Corruption Perceptions Index ng Transparency International. Pumalo naman ito sa 115th spot noong 2020.

LATEST

LATEST