Alokasyon at rollout ng Sinovac vaccines, nasa evaluation pa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ang espesipikong detalye tungkol sa alokasyon at distribusyon ng Chinese-donated Sinovac Covid-19 vaccines ay kasalukuyang nasa ilalim pa ng evaluation habang hindi pa ito inirerekomenda ng National Immunization Technical Advisory Group at inaaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa isang pahayag noong Huwebes, nilinaw ito ng Department of Health at National Task Force Against Covid-19 matapos sabihin ng Malacañang na ang unang 600,000 doses ng Sinovac vaccines ay darating sa bansa sa Pebrero 28.

Ang nasabing bakuna ang ikatlong brand na ginawaran ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration.

Base sa resulta ng clinical trials, idiniin ng mga eksperto na ang Sinovac vaccine ay may efficacy rate na 65.3 percent sa Indonesia at 91.2 percent naman sa Turkey.

May mas mababang efficacy rate naman ito na 50.4 percent kapag gagamitin sa mga health workers na na-expose sa Covid-19 kaya naman hindi ito inirerekomenda para sa naturang sektor.

LATEST

LATEST

TRENDING