Grupo ng nurses, umangal sa panukalang pag-export ng healthcare workers kapalit ang Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: HRM Asia

Binabalak ng pamahalaan ang pagtanggal sa limitasyon ng deployment ng healthcare workers sa ibang bansa kapalit ang Covid-19 vaccines, ayon sa ilang mga opisyal.

Ang panukalang inihain ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tanggalin ang cap sa mga idine-deploy na healthcare workers sa United Kingdom at Germany kapalit ng mga bakuna ay pinaulanan ng pambabatikos mula sa isang organisasyon ng nurses.

“We are being traded by the government like export products?” giit ng Filipino Nurses United sa isang social media post noong Martes.

Ibinunyag ni Bello sa isang Senate hearing na humihiling umano ang UK at Germany na paluwagin ang cap sa deployment ng 5,000 health workers. Ayon sa isa pang opisyal, dalawang kondisyon umano ang iminumungkahi ni Bello upang isakatuparan ito – isa rito ay ang pagpapadala ng mga bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas.

“Ang hiling ni Sec. Bello ng vaccine mula sa kanilang gobyerno, na mabigyan tayo dito sa Pilipinas, lalong lalo na para sa ating mga OFWs,” ani International Labor Affairs Bureau (ILAB) Director Alice Visperas noong Pebrero 22.

Isa pang kondisyon dito umano ay ang pag-amyenda sa 2002 at 2003 bilateral labor agreements. Ayon kay Visperas, “kinokonsidera” umano ni Bello ang pagsang-ayon sa hiling ng UK at Germany kung matutupad ang dalawang kondisyon

LATEST

LATEST