Duterte, muling idiniing hindi tatakbo sa pagka-Pangulo si Mayor Sara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Inihayag ito ng Pangulo matapos sabihin ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel sa kanya na dapat may tumakbo umano bilang presidente mula sa administrasyon upang maipagpatuloy ang legacy ni Duterte.

“Ang request po namin may continuity. Dapat isa sa administration ang ko-continue lahat ng ginawa niyo po…So dapat kumbishin natin si Inday Sara o Senator Bong Go,” ani Pimentel sa isang televised briefing noong Martes.

Subalit, iginiit ng Pangulo na hindi niya papayagang tumakbo bilang Pangulo si Mayor Duterte-Carpio.

Aniya, “Inday Sara is not running. I have really, really put my foot down. Naaawa ako sa anak ko.”

Ayon sa isang independent survey kamakailan, nanguna si Duterte-Carpio bilang frontrunner para sa presidential at vice-presidential race.

Naglipana ang iba’t-ibang karatula sa ilang bahagi ng bansa na nag-uudyok sa alkalde ng Davao na tumakbo sa pagka-Presidente.

Ayon naman kay Duterte-Carpio, posible siyang tumakbo subalit sa 2034 pa.

LATEST

LATEST

TRENDING