Duterte, binisita ang mga lugar na hinagupit ni ‘Auring’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan ng isang linggo upang magsumite ng full assessment report tungkol sa naging pinsala ng Bagyong Auring, pati na rin ang response plan para sa mga apektadong lugar.

“You have one week to do it, all of you. Kung may kulang, if there’s anything to be fixed, do it, come back here,” ani Duterte sa mga miyemrbo ng Gabinete at iba pang opisyal na dumalo sa isang media briefing noong Martes.

Ibinigay ng Pangulo ang kautusan matapos sabihin ni Usec. Ricardo Jalad, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, na kinukumpleto na ng ahensya ang typhoon impact assessment nito.

Aniya, “That will include already the identified interventions for the areas and populace affected.”

Sinabi rin nina Jalad at Budget Secretary Wendel Avisado kay Duterte na may sapat na pondo upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga naging biktima ng bagyo.

“It’s just a matter of procuring the needed supplies,” ani Jalad.

“DSWD (Department of Social Welfare and Development) still has stocks and we will continue to provide the needed services assessed by the various national government agencies here as necessary for the augmentation of the local government units,” dagdag pa nito.

Sa kanyang ulat, sinabi naman ni DSWD Secretary Rolando Bautista na naka-preposition na ang ilang food packs para sa mga apektadong pamilya habang may paparating pa sa Miyerkules.

Mamamahagi rin umano ng ayudang pinansyal para sa mga apektadong residente. Mahigit 3,600 pamilya ang makatatanggap ng P3000 bawat isa. Ang mga tahanang bahagyang nasira ay makatatanggap ng P15,000 habang ang mga nawasak nang tuluyan naman ay makakukuha ng P30,000.

Sa isang video na ibinahagi ni Senador Bong Go sa social media, makikitang nakasakay sila ni Duterte sa isang helicopter habang nagsasagawa ng aerial inspection sa mga apektadong lugar sa Surigao del Sur.

LATEST

LATEST