DND, babakunahan ang mga empleyado nito gamit ang Sinovac

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Defense Secretary Delfin Lorenzana

Inihayag ng Department of National Defense (DND) noong Martes na handa na itong umpisahan ang Covid-19 vaccination program para sa personnel ng ahensya oras na dumating ang 100,000 doses na donasyon ng Sinovac Covid-19 vaccines galing China.

Ang mga bakuna ay ibibigay sa lahat ng civilian employees at military personnel na naka-assign sa DND pati na rin ang civilian bureaus nito: ang Office of Civil Defense, Government Arsenal, National Defense College of the Philippines, at Philippine Veterans Affairs Office, na may dalawang doses bawat isa.

Ayon sa ahensya, may tinatayang nasa 25,000 civilian employees at military personnel sa loob ng departamento at civilian bureaus nito sa buong bansa, at ang kanilang mga pamilya ay eligible din na makakuha ng bakuna.

Ang uniformed personnel naman ng Armed Forces of the Philippines ay sasailalim sa hiwalay na vaccination program.

“The intent is to vaccinate everyone who is in the same working environment and those living in the same households as our employees,” pahayag ni DND spokesperson Arsenio Andolong.

Unang sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sang-ayon siyang magpaturok ng Sinovac vaccine, subalit iginiit kinalaunan na hihintayin pa niyang dumating ang iba pang mga bakuna sapagkat inirekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasabing bakuna para sa mga edad 18 hanggang 59. Si Lorenza ay 72-anyos.

LATEST

LATEST

TRENDING