FDA, inaprubahan ang emergency use ng Sinovac subalit iginiit na ‘di ito mabuti para sa frontliners

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinahintulutan na ng Food and Drug Administration (FDA) noong Lunes ang emergency use ng Covid-19 vaccines na gawa sa kumpanyang Chinese na Sinovac Biotech.

Gayunpaman, nagbabala si FDA Director General Eric Domingo na ang nasabing brand ay hindi ang pinakamagandang bakuna upang protektahan ang mga healthcare workers laban sa nakamamatay na Covid-19.

Inaprubahan ng ahensya ang emergency use authorization application ng Sinovac matapos ang mahabang review dahil sa incomplete submission ng Phase 3 clinical trial data.

Nag-abiso si Domingo laban sa pagtuturok ng bakuna sa mga frontliners na kadalasang exposed sa virus, mga matatanda, at mga mayroong co-morbidities. Hindi umano ito inirerekomenda para sa health workers sapagkat mas mababa ang efficacy rate nito, kung saan dapat lamang umano itong isaksak sa mga malulusog na taong edad 18-59 sa interval na apat na linggo sa pagitan ng mga doses.

“Ang nakita kasi sa trial sa Brazil na binigay ito sa healthcare workers sa hospitals treating COVID-19 ay 50.4% ang efficacy niya. Mas mabuti na kaysa wala. Pero ang rekomendasyon natin, ng mga experts ay hindi ito ang pinaka magandang bakuna para sa kanila,” paliwanag ni Domingo.

“It has a lower efficacy rate of 50.4% when used on healthcare workers exposed to COVID-19. Therefore, it is not recommended for use in this group,” dagdag pa ng opisyal.

Ang naturang bakuna ay 50.38% effective batay sa isinagawang late-stage trials sa Brazil, kung saan mas mababa ito sa una nitong isinapublikong results. Bagama’t pasok ang bakuna sa requirement ng regulatory approval, mas mababa pa rin ito sa 78% na unang inanunsyo.

Ayon kay Domingo, nagpakita ito ng 65.3% hanggang 91.2% na efficacy rate nang gamitin sa mga malulusog na tao sa loob ng recommended age range.

Bagama’t may mababang efficacy rate sa healthcare workers, sinabi ni Domingo na magandang opsyon naman ang Sinovac para sa mga may allergies sapagkat mababa umano ang posibilidad na makapagde-develop ang mga ito ng malalang allergies o anaphylaxis matapos ang pagbabakuna.

Halal-certified din aniya ang CoronVac nang ma-test ito sa Indonesia.

LATEST

LATEST

TRENDING