Robredo, kinuwestyon ang balak ng pamahalaan na isailalim sa MGCQ ang buong bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulog Leni Robredo

Kinuwestyon ni Pangalawang Pangulog Leni Robredo noong Linggo ang naging rekomendasyon ng pamahalaan na isailalim ang buong bansa sa modified general community quarantine (MGCQ) sa susunod na buwan, bagama’t nagbabala na laban dito ang mga medical experts dahil sa potential health risks.

“Ang tanong ko lang ano iyong basis? Anong basis ng MGCQ? Wala namang problemang mag-MGCQ kung may basehan tayo doon. Pero pag tiningnan mo yung basehan, ‘yung numero ang taas pa ng transmission, wala pa yung bakuna,” giit ni Robredo.

Ayon sa bise-presidente, hindi dapat ulitin ng gobyerno ang nakaraan nitong pagkakamali na paghihiwalay sa mga layunin nito sa kalusugan at ekonomiya ngayong panahon ng pandemiya.

Aniya, “Dapat sana lahat ng energies natin nandoon sa pagcontrol sa transmission, sa bakuna. Hindi sa kung anu-ano pa.” 

“Dapat isentro na lahat doon kasi yun yung pinakamahalaga ngayon,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Unang nagbabala ang mga miyembro ng OCTA Research group sa National Economic and Development Authority na magiging delikado umano ang pagbubukas ng ekonomiya sapagkat posibleng sumipa sa 2,400 cases bawat araw ang pagpapaluwag ng quarantine protocols. Idiniin din ni OCTA fellow Ranjit Rye na hindi pa nauumpisahan ng bansa ang pagbabakuna sa medical frontliners nito.

LATEST

LATEST

TRENDING