Malacañang: Walang indemnification deal sa Sinovac Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hindi ginawang mandatoryo para sa pamahalaan ang pumirma ng indemnification agreement sa Chinese company na Sinovac bago makatanggap ng Covid-19 vaccines, paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Lunes.

Nang tanungin ng isang mamamahayag kung pumirma ng indemnification clause ang bansa sa Sinovac tulad ng requirement ng Western vaccine developers — hindi ang naging sagot ni Roque. Hindi naman nito nagpaliwanag kung bakit.

Ngayong linggo, nakatakdang magpasa ang Kongreso na mga panukalang batas – na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte – na layong magtatag ng indemnification fund upang bayaran ang mga Pilipinong makararanas ng seryosong side effects matapos mabakunahan kontra Covid-19.

“There will be an indemnity fund. In case of side effects, there is no obligation on the part of the claimant to prove fault or negligence. They can recover from the P500-million indemnification fund,” ani Roque sa isang media briefing.

Ang ilang pharmaceutical companies, tulad ng Pfizer at AstraZeneca, ay naghikayat sa mga pamahalaan na tustusan nito ang gastusin sa pagpapagamot bunsod ng posibleng side effects upang makaiwas ang mga kumpanya sa kaso.

Ang kawalan ng batas na ito at ang late submission ng isang indemnification deal ay nakapagpaantala sa delivery ng 117,000 doses ng Pfizer vaccines sa pamamagitan ng World Health Organization-led COVAX facility.

Samantala, inihayag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na gagamitin ng Health Department ang savings nito upang bumili ng inisyal na 50,000 doses ng CoronaVac vaccines galing Sinovac. Ito ay bukod pa sa 600,000 doses ng Sinovac vaccines na idodonate ng China na nakatakdang dumating ngayong linggo matapos makatanggap ng approval mula sa Food and Drug Administration noong Lunes.

“Meron pong savings na puwedeng magamit para sa bakuna, at tinitignan po natin iyong Sinovac para sa karagdagan o sa labas ng donated ng 600,000 (doses). Diyan gagamitin ‘yan,” wika ng kalihim.

Ang halagang ito ay hindi umano kasama sa loans mula sa World Bank at Asian Development Bank sapagkat natagalan pa bago maaprubahan ang emergency use application ng Sinovac.

LATEST

LATEST

TRENDING