Duque, umapela ng ‘konting pasensiya’ dahil sa pagkaantala ng Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III
Kuha ni: Grig Montegrande (Inquirer)

Umapela noong Lunes si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko para sa pag-unawa nito dahil sa pagkaantala ng pagdating ng mga Covid-19 vaccines sa bansa.

Sa Laging Handa briefing ng gobyerno, sinabi ni Duque na ang pagka-delay ng mga nasabing bakuna ay ang global supply shortage ng mga ito.

Gayunpaman, tiniyak nito sa taumbayan na malapit nang dumating ang mga naturang bakuna.

“Konting pasensya po ang aking pinapakiusap, umaapela po ako sa taumbayan,” ani Duque.

Dagdag pa ng kalihim, “Makakaasa kayo na darating at darating na po ang mga bakunang iyan. Pero dapat ipaliwanag ko din na ang pangunahing dahilan kung bakit wala pang bakuna ay talaga naman iyong global supply shortage.”

Sa isang hiwalay na panayam sa CNN Philippines, binanggit naman ni Duque ang  “inequitable access” bilang sa mga dahilan sa pagkaantala ng mga bakuna, habang sumasangguni sa isang United Nations report na nagpapakitang nasa 130 na mga bansa ang hindi pa nakatatanggap ng mga bakuna kontra Covid-19.

“So ‘yan talaga ang malaking problema natin… global shortage of the supplies, inequitable access, vaccine nationalism in the first world countries that tend to corner the chunk of the vaccine supplies,” wika ni Duque.

LATEST

LATEST