DITO, pumasa sa unang performance audit nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pumasa ang telco company na DITO Telecommunity sa isinagawang technical audit para rito.

Sa isang pahayag noong Lunes, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na tinupad ng telco player ang mga ipinangako nito sa unang taon sa serbisyo.

Ang nasabing telco – na suportado ng negosyanteng si Dennis Uy at ng China Telecommunications—ay nangakong makapagbibigay ng average broadband speed na 27 megabits per second, na sumasaklaw sa 37% ng populasyon ng bansa para sa unang taon nito sa operasyon.

Batay sa findings ng isinagawang technical audit ng independent auditor na R.G. Manabat and Co., pumalo ang average broadband speed ng DITO sa 507.5 Mbps para sa 5G, at 85.9 Mbps para sa 4G.

Ang coverage nito ay umabot sa 37.48% o 37,845,315 base sa 2015 national census population ng 100,983,124. Katumbas nito ang 8,860 barangays.

Nagpokus ang auditor sa isang percentage ng mga tinukoy na 1,600 sites na kumakatawan sa 8,800 barangays sa bansa.

Ang DITO ay nakatakdang mag-launch sa susunod na buwan kung saan target nitong pumasok sa merkado ng Metro Manila, Cebu, at Davao.

“DITO’s entry in the market is a welcome development in the telco industry,” giit ng NTC.

Ayon sa regulator, makapagbibigay daan ito para sa “healthier competition” sa sektor, kung saan puwedeng makaranas ang mga Pilipinong consumer ng “cheaper prices and improved internet speed.”

LATEST

LATEST

TRENDING