Vergeire: LGUs, dapat palakasin ang Covid-19 response kung ipatupad ang MGCQ sa buong PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Dapat paigtingin ng mga local government units (LGUs) ang kanilang isinasagawang Covid-19 response kung sakaling magpasya ang pamahalaan na paluwagin ang quarantine protocols, giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Sabado.

Sa isang public press briefing, sinabi ng opisyal na dapat kaya ng mga LGUs ang magsagawa ng localized Covid-19 response kahit magtransisyon o hindi ang bansa sa mas maluwag na restrictions.

“No matter what risk classification or community quarantine level na ibibigay sa atin, the LGUs should have the capability to do localized response,” ani Vergeire.

Isinusulong ng economic managers ng bansa ang pagsasailalim sa susunod na buwan ng buong Pilipinas sa modified general community quarantine (MGCQ) – ang pinakamaluwag na uri ng community quarantine.

Nagkasundo ang pandemic task force at mga alkalde ng Metro Manila na paluwagin ang quarantine restrictions. Subalit, nagbabala naman ang ilang mga dalubhasa at alkalde laban sa pagpapaluwag ng quarantine protocols dahil sa banta ng surge ng Covid-19 cases, lalo na’t wala pang bakuna kontra Covid-19 ang dumarating sa bansa.

“Ang atin pong safeguard ay ang ating local governments ay magkakaroon ng sari-sariling response where they have better surveillance gatekeeping indicators. Ito po ay isang bagay na kailangan po natin ipatupad kung sakaling darating na ang point na ‘yan and we are asking local governments to step up,” paliwanag ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING