Mayor Vico: Mga sinehan sa Pasig, mananatiling sarado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pasig City Mayor Vico Sotto

Manantiling sarado ang mga sinehan sa Lungsod ng Pasig kahit pa sumailalim ang Metro Manila sa modified general community quarantine (MGCQ) o manatili ito sa GCQ, giit ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Biyernes.

Ito ay matapos ianunsyo ng pamahalaan na muli nang magbubukas ang mga sinehan sa GCQ areas. Inirekomenda rin ng ilang mga alkalde ng Metro Manila ang pagtransisyon ng rehiyon sa pinakamaluwag na uri ng community quarantine – ang MGCQ.

“Whether you call it GCQ or MGCQ, for now, we will have cinemas remain closed,” ani Sotto.

Idinii ng alkalde na bagama’t kinakailangang magbukas ng ekonomiya, kinakailangan ding protektahan ng lokal na pamahalaan ang mga napagtagumpayan nito sa Covid-19 response. 5 percent umano ng mga negosyo sa Pasig ang nagsara.

Pagdating naman sa pagpapahintulot ng face-to-face classes, binanggit lamang ni Sotto ang Ateneo School of Medicine and Public Health, na handa na umano upang papasukin ang mga mag-aaral nito.

Tungkol naman sa vaccination, inihayag ng alkalde na sang-ayon siyang magpabakuna sa harap ng publiko, subalit susundin niya umano ang order of priority na ipatutupad ng Department of Health (DOH).

Hindi naman aniya mahalaga kung anong brand ng bakuna ang kanyang gagamitin basta’t mayroon itong Emergency Use Authorization.

“I am very much willing (na mabakunahan) but I believe in following the rules,” paglilinaw nito.

“Kahit anong brand na unang dumating willing akong magpabakuna, but for us, we see in the DOH guidelines it’s health care professionals first, so we will go strictly by that,” dagdag pa ni Sotto.

LATEST

LATEST

TRENDING