Ilang merkado, planong magtigil-benta ng baboy sa Peb. 22

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Inihayag ng ilang mga pamilihan sa Kalakhang Maynila na makikiisa sila sa tigil-benta ng produktong baboy sa Lunes bunsod ng pagkalugi dahil sa umiiral na price ceiling.

Ipinag-utos kamakailan ng pamahalaan ang nasabing price ceiling, kung saan itinakda sa P270 hanggang P300 kada kilo ang presyo ng baboy, depende sa parte, habang P160 naman kada kilo ang presyo ng manok. 

May kakulangan sa suplay ng baboy sa Luzon dahil sa African swine fever. Dahil dito, nangakong magbibigay ng suplay ng baboy ang Department of Agriculture mula Mindanao upang matulungan ang mga pork vendors na apektado ng price ceiling.

Nagbabalak ang ilang vendors sa Litex Market sa Quezon City na pansamantalang huminto sa pagbebenta dahil sa matumal na kita.

Nagkasundo rin ang lahat ng tindero ng baboy at manok sa Murphy Market na huminto sa pagbebenta sa Pebrero 22 at Pebrero 24 dahil hindi umano maayos ang sistema ng pagbagsak ng baboy sa palengke.

Kasama rin sa tigil-benta sa Lunes ang Las Piñas Market. 

Nauna namang sinabi ng Commonwealth Market na titigil sila sa pagbebenta ng baboy sa Lunes, Pebrero 22, upang maihayag sa pamahalaan na hindi nila maisasakatuparan ang itinakdang price ceiling.

LATEST

LATEST

TRENDING