Clover, Sinovac isinasapinal ang preparasyon para sa PH clinical trials

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nasa final preparation stage na umano ang vaccine manufacturers galing China na Sinovac at Clover Biopharmaceutical para sa kanilang independent clinical trials sa Pilipinas, pahayag ng Department of Science and Technology (DOST) noong Sabado.

Ayon kay DOST Usec. Rowena Guevarra, isinasapinal na ng Sinovac at Clover ang kanilang site preparations.

Aniya, “Malapit na ring magsimula ang dalawang ‘yan.”

Noong Enero, nakatanggap ang dalawang kumpanya ng approval mula sa Food and Drug Administration, na pinahintulutan ang pagsasagawa sa ikatlong phase ng kanilang clinical trials sa bansa.

Noong Biyernes, sinabi naman ng DOST na inumpisahan na ng Janssen Pharmaceuticals ang local clinical trial nito. Ang trial sites nito ay matatagpuan sa National Capital Region, Regions 4-A at 6.

Kasalukuyang nasa proseso ang Janssen Pharmaceuticals sa patient screening at recruitment bago nito isagawa ang aktwal na vaccination.

“Pagkatapos maturukan ng bakuna, may follow-up visits para makita kung kumusta ang pagkakaroon niya ng anti-bodies,” paglilinaw ni Guevarra.

Idiniin din ng opisyal na ang mga pasyenteng makararanas ng side effects matapos mabakunahan mula sa clinical trials ay ililibre sa gastusin ng drug makers.

LATEST

LATEST

TRENDING