Roque: Duterte, ‘naiinip’ na dahil sa matagal na pagdating ng Covid-19 vaccines sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

“Naiinip” na si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa matagal na pagdating ng mga bakuna kontra Covid-19 sa bansa, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes.

Aniya, “Si Presidente nagsalita na, siya mismo naiinip na. Kailangan dumating na ang mga bakuna. Siguro dahil nagsalita ng ganyan ang Presidente, gagalaw na nang mabilis.”

Ang delivery ng inisyal na batch ng mga naturang bakuna ay naantala dahil sa iba’t-ibang isyung kinakaharap ng mga opisyal at vaccine manufactuters.

Ang pagdating ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines — na inaasahang magiging unang batch ng vaccine doses na itinakdang dumating sa bansa noong Pebrero 13 sa pamamagitan ng COVAX facility — ay na-delay dahil isyu kaugnay ng indemnification agreement.

Ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr., nabigla umano ang mga opisyal ng pamahalaan nang biglang humingi sa huling minuto ang Pfizer ng bilateral agreement para sa kanilang indemnification clause.

Ang pagdating naman ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines na itinakdang maideliver sa Pebrero 23, ay hindi pa maisasakatuparan sapagkat wala pa itong emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration.

Para naman sa Astrazeneca, nasa global manufacturing umano ang problema.

LATEST

LATEST

TRENDING