Roque: De Lima, walang rason para magdiwang dahil nakakulong pa rin ito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senadora Leila de Lima
Kuha ni: Jess Escaros, Jr. (PNA)

Wala umanong dahilan upang magdiwang ang naka-detain na si Senadora Leila de Lima bunsod nang pagkaka-dismiss sa isa sa tatlong drug cases na inihain ng pamahalaan laban sa kanya sapagkat nasa kulungan pa rin ito, giit ng Malacañang noong Huwebes.

Sa isang virtual presser, ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay de Lima na nahaharap pa rin ito sa dalawang kasong may kaugnay sa iligal na droga.

Aniya, “Nakakulong pa rin siya at siya’y nakakulong pa rin kasi mayroon pa siyang dalawang kaso. So bakit po siya magsi-celebrate eh nandoon pa rin siya sa selda niya?”

Naghain si De Lima ng demurrer to evidence sa dalawang kaso ng conspiracy to commit illegal drug trading sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205.

Layunin ng demurrer to evidence na ibasura ang inihaing kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya laban sa akusado.

Pinawalang-sala ni Muntinlupa RTC Branch 205 Judge Liezel noong Miyerkules ang senadora sa isa sa tatlong kaso laban sa kanya.

Ayon sa huwes, hindi umano napatunayan ng prosekusyon ang maglabas ng matibay na ebidensiya laban kay De Lima.

Subalit, tinanggihan naman ng hukom ang hakbang ni de Lima upang ibasura ang drug cases laban sa kanya at sa dati nitong empleyadong si Ronnie Dayan.

Samantala, sa isang pahayag, kinonsidera naman ito ni De Lima bilang “moral victory” sa ilalim ng Duterte administration.

Nahaharap ang senadora sa ikatlong drug case bago ang Muntinlupa RTC Branch 256. Kasalukuyan siyang naka-detain sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.

LATEST

LATEST

TRENDING