PRRD, nagpaalala sa gobyerno na bumili ng ‘ligtas at epektibong’ Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parehong lokal at national governments na tiyaking “ligtas at epektibo” ang bibilhin nitong Covid-19 vaccines, pahayag ni Sen. Bong Go noong Huwebes.

Inilabas ni Duterte ang paalala matapos nitong pirmahan ang isang memorandum na nagpapahintulot sa National Task Force against Covid-19, Department of Health, at mga local government units (LGUs) na makapagsagawa ng advance payments nang mahigit 15 percent ng kabuuang halaga ng procurement, dagdag pa ni Go.

Ito rin ay matapos sertipikahang urgent ng Pangulo ang proposed indemnification fund law na layong bayaran ang mga indibidwal na makararanas ng posibleng side effects ng Covid-19 vaccines.

“Bagama’t nagmamadali na po ang ating Pangulo sa pagbili ng mga bakuna, pero pinaalala niya na dapat siguraduhing safe at effective po itong mga vaccines na binibili po ng gobyerno ngayon,” ani Go.

Pinuri ni Go ang agarang aksyon ng Pangulo sa pagsertipikang urgent sa Senate Bill 2057 at House Bill 8648 na layong pabilisin ang procurement at administrasyon ng Covid-19 vaccines.

Katuwang umano ang legislative branch sa pagtulong sa executive branch sa pagsugpo sa Covid-19 at sa pagbangon ng ekonomiya.

“Importante na maisabatas ito [indemnification fund bill] sa lalong madaling panahon dahil malaking parte ito ng ating National Covid-19 Vaccine Roadmap upang tuloy-tuloy na ang pag-roll out ng mga bakuna sa ating bansa,” paliwanag ni Go.

LATEST

LATEST

TRENDING