PRRD, naglabas ng memo na layong pabilisin ang vaccine procurement ng LGUs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang memorandum na magpapahintulot sa mga local government units (LGUs) na magsagawa ng advance payments para sa pagbili ng Covid-19 vaccines.

Sa isang virtual presser, inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na sinabihan umano siya ni Sen. Bong Go na nilagdaan na ng Pangulo ang nasabing memorandum order (MO).

Aniya, “Sinabi po ni Senator Bong Go na napirmahan na po.”

Kinumpirma rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa virtual press briefing, na pinirmahan na ng Pangulo ang naturang MO.

Sa ilalim ng Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act, pinapayagan ang mga ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng advance payments nang hanggang sa 15 percent ng kontrata, basta’t mayroong security ang mga transaksyon sa pamamagitan ng irrevocable letter of credit o bank guarantee.

Ayon kay Roque, dahil sa nasabing NO, puwedeng makapagbayad nang advance ang LGUs nang hanggang sa 50 percent.

“Dahil po dito sa MO na ito ay makakabayad na po ng ng advance payment ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng kanilang bakuna,” ani Roque.

Isasapubliko umano ang nasabing kautusan kapag nakatanggap ng ng kopya ang Malacañang.

LATEST

LATEST

TRENDING