NCR Mayors, pabor sa pagsasailalim ng Metro Manila sa MGCQ sa Marso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Bagama’t mayroong babala mula sa health experts, karamihan sa mga alkalde ng Metro Manila ang sumang-ayon sa pagtransisyon ng rehiyon sa pinakamaluwag na uri ng community quarantine sa susunod na buwan.

Sinabi ni Navotas Mayor Toby Tiangco noong Huwebes na hati ang 17 mayors sa kanilang botohan, subalit nanalo umano ang pabor sa modified general community quarantine nang isang boto (9-8).

Ayon sa alkalde, bumoto siya laban sa pagsasailalim ng Metro Manila sa MGCQ. Ang iba pang mga alkalde na bumoto upang panatilihin ang Kalakhang Maynila sa GCQ ay sina Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, San Juan City Mayor Francis Zamora, at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Sina Manila Mayor Isko Moreno, Makati City Mayor Abigail Binay, at Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ay pabor naman sa shifting sa MGCQ, habang hindi naman isinapubliko nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Pateros Mayor Miguel Ponce III ang kanilang boto.

Unang inirekomenda ng National Economic and Development Authority kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim ng bansa sa MGCQ sa susunod na buwan upang mapahintulutan ang muling pagbubukas ng ekonomiya.

Agaran naman itong tinutulan ng OCTA Research Group at nagbabala laban sa mungkahi ni Chua sapagkat namamayagpag pa rin umano ang Covid-19 at UK variant sa ilang bahagi ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING