Gabinete, nakatakdang pag-usapan ang muling pagbabalik ng face-to-face classes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakatakdang talakayin ng mga miyembro ng Gabinete ang mga plano tungkol sa pagsasagawa ng dry run para sa limitadong face-to-face classes sa piling mga lugar, pahayag ng Malacañang noong Huwebes habang patuloy ang panawagan para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan bagama’t nasa gitna pa ng pandemiya ang bansa.

Pag-uusapan umano ito sa Lunes, Pebrero 22, paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “Inaasahan po natin na pag-uusapan muli sa Cabinet meeting sa Lunes ang pilot limited face-to-face schooling ng ating mga kabataan.”

Sa parehong briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na naghahanda ang Department of Education (DepEd) sakaling bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng go signal ang pilot test ng face-to-face classes.

“Naghahanda kami. Baka dadating na i-lift na ni President [Rodrigo Duterte] ang deferment ng pilot studies natin na ito,” ani Briones.

Ayon sa kalihim, mahigit 50 percent umano ng mga mag-aaral ang pabor sa face-to-face classes batay sa isang isinagawang survey ng ahensya.

Isang “significant portion” naman umano ng mga guro ang nagnanais magsagawa ng limitadong in-person classes habang hindi pa sigurado ang mga magulang tungkol sa isyu.

Nakatakda sanang magsagawa ng dry run ang pamahalaan para sa limitading in-person classes sa mga lugar ng may mababang risk ng Covid-19 transmission noong Enero. Subalit, kinansela ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod sa pagkakatuklas ng mas nakakahawang Covid-19 variant mula United Kingdom.

LATEST

LATEST