Duterte, sinertipikahang urgent ang Covid-19 indemnity fund bills

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang panukalang batas na layong tiyakin ang availability ng pondo upang ibigay sa mga Pilipino sakaling sila ay mamatay o magkaroon ng seryosong side effects matapos mabakunahan kontra Covid-19.

Ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr. noong Huwebes sa isang Malacañang briefing, nag-isyu si Duterte ng sertipikasyon para sa Senate Bill 2057 at House Bill 8648, kung saan pareho itong nagtatatag ng indemnity fund at mabilis na procurement ng mga bakuna sa bansa.

Aniya, “Magandang balita po, pinirmahan na po ng ating mahal na Pangulo ang pagsertipika ng panukalang batas as urgent…magandang balita po, pinirmahan na niya as urgent iyong mga Senate [and House] bill na makikita nating makakatulong sa atin.”

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kukumpirmahin pa ng kanyang tanggapan kung napirmahan nga ang nasabing certification of urgency, subalit idiniin ni Galvez na tunay ito ayon sa malapit na kaalyado ng Pangulo na si Sen. Bong Go.

Ini-sponsor ni Senador Sonny Angara noong Martes ang Senate Bill 2057 o ang proposed Covid-19 Vaccination Program Act of 2021, kung saan pinagsama-sama nito ang lahat ng panukalang may kinalaman sa Covid-19 vaccines. Layuning ng bill an maglaan ng P500 milyon para sa Covid-19 National Indemnity Fund na kukunin mula sa badyet ng contingent fund ng national budget. Inatasan naman ang PhilHealth upang pangasiwaan ang transaksyon nito.

Samantala, ang House Bill 8648 o Emergency Vaccine Procurement Act of 2021, na kinokonsidera rin ang ibang Covid-19 vaccine-related provisions, ay hindi naman naglinaw kung magkano ang kakailanganin para sa indemnification fund ng adverse events.

LATEST

LATEST

TRENDING