Task force vs. kurapsyon, nakapagtala ng mahigit 200 reklamo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Justice Secretary Menardo Guevarra

Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Martes na nakatanggap ang Task Force Against Corruption (TFAC) ng mahigit 200 complaints, kung saan may “large number” aniyang kinabibilangan ng mga local government units (LGUs).

Ayon sa kalihim, sa 208 na reklamo, 148 lamang ang may kinalaman sa corruption cases habang 69 naman ang na-evaluate ng task force.

40 cases naman aniya ang ini-refer sa iba pang member agencies ng task force para kumuha ng komento, paimbestigahan, o magsagawa ng case build-up kung saan isang kaso ang nakatakdang ihain sa Office of the Ombudsman.

“The complaints involve a wide range of national government agencies, several government-owned or -controlled corporations, and a large number of local government units,” ani Guevarra.

Ayon sa kalihim , ang mga reklamo ay kinabibilangan ng mga umano’y paglabag sa anti-graft law, procurement law, Commission on Audit rules, at social amelioration programs.

May mga kaso rin umano ng overpricing, ghost projects, unfinished projects, kickbacks at commissions, bribery, extortion, smuggling, fake land titles, falsified free patents, at iba pang fraudulent, corrupt, o iligal na aktibidad na isinagawa ng mga opisyal at kasabwat nito.

Unang sinabi ng DOJ na bibigyan nito ng prayoridad ang mga iregularidad na may minimum threshold na P1 bilyon sa public funds, at iba pang criteria.

Kabilang sa orihinal na listahan ay ang mga alegasyon ng iregularidad sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Land Registration Authority (LRA).

LATEST

LATEST

TRENDING