PH, pumirma ng indemnity deal para sa Pfizer & AstraZeneca Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Pumirma ang Pilipinas ng isang indemnity deal na required upang makakuha ng Covid-19 vaccines mula sa US pharmaceutical giant na Pfizer at sa AstraZeneca ng United Kingdom, pahayag ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Miyerkules.

Isinumite ng mga awtoridad ang kasunduan sa COVAX Facility, isang global initiative na layong tiyakin ang patas na access sa mga bakuna, dagdag pa ni Galvez, na siyang chief implementer ng National Task Force against COVID-19.

Sa ilalim ng naturang indemntiy deal, responsibilidad ng national government ang bayaran ang gastusin para sa adverse effects sa mga mababakunahan, ayon naman kay NTF deputy chief implementer Vince Dizon.

Aniya, “Nakapagpirma na po at naisumite na po natin ang mga requirements. Kasama na po dito ang indemnification agreements para sa Pfizer at AstraZeneca. Napirmahan na po namin iyon.”

“Binibigyan po natin sila ng tinatawag na guarantee na iyong gagawin po natin na immunization ay prepared na prepared po ang Pilipinas, kaya po nating i-handle pati iyong tinatawag nating mga adverse effect,” dagdag pa ni Dizon.

Ang pagproseso ng mga dokumento ay nakapagpaantala sa pagdating ng initial batch ng 117,000 doses ng Pfizer mula sa COVAX Facilitiy ngayong buwan, unang pahayag ni Dizon. Hindi naman nito sinabi kung kasama sa mga nabanggit ng dokumento ang indemnity agreement.

Standard requirement umano ang deal para sa vaccine manufacturers.

“Ito po kasing mga bakunang ito ay hindi pa natatapos ang proseso ng product registration sa buong mundo,” paliwanag ni Dizon.

Karamihan sa mga bakuna ay nasa ikatlong stage ng clinical trials at gagamitin sa emergency basis.

Nais umanong magkaroon ng “reassurance” ng mga tagagawa ng bakuna matapos sampahan ng kaso ng Pilipinas ang French pharmaceutical giant na Sanofi bunsod ng isyu sa Dengvaxia dengue vaccine nito.

Kasalukuyan namang hinihintay ng gobyerno ang feedback ng COVAX tungkol sa indemnity agreement.

Naging kulelat ang Pilipinas sa mga karatig-bansa nito sa pagkalap ng mga bakuna kontra Covid-19, kung saan layunin ng bansang mabakunahan ang aabot sa 70 milyong Pilipino ngayong taon.

Bukod sa initial batch galing Pfizer, inaasahan din ang pagdating sa bansa ng unang 600,000 doses mula naman sa Sinovac ng China sa loob ng kasalukuyang buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING