Palasyo, iginiit kay Robredo na alam ni PRRD ang katangian ng susunod na Pangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Alam aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katangian na dapat taglay ng hahalili sa kanya pagsapit ng 2022, giit ni Malacañang noong Miyerkules bilang pagtugon sa pahayag ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na ang publiko umano ang magdedesisyon kung kwalipikado siyang maging presidente o hindi.

Sinabi ni Duterte noong Lunes na hindi kwalipikadong maging Pangulo si Robredo matapos nitong punain ang kanyang naging desisyon kaugnay ng Visiting Forces Agreement (VFA).

“Hindi naman siya ang magde-decision kung qualified ako o hindi, pero ‘yong taumbayan,” giit naman ni Robredo noong Martes. 

“Tama po ‘yan,” sabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Iyan ay desisyon ng taumbayan. Pero kabahagi po ng taumbayan ay ang Presidente na siya’y boboto rin,” giit ni Roque.  

Dagdag pa nito, “At dahil siya ay naging presidente alam niya iyong mga kakayahan na kinakailangan para maging isang presidente at ang kaniyang naging assessment na sumatutal, hindi po angkop na maging presidente ang ating Bise Presidente.”

“Because he’s (Duterte) really the guy who knows all about how to lead a country competently, right?” tanong naman ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez sa Twitter.

Hindi pa nag-aanunsyo si Robredo kung ano ang balak nito para sa 2022 elections, habang tinanggihan naman ni Duterte na tatakbo bilang Pangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Unang sinabi rin ni Duterte na hindi “pambabae” ang pagiging Pangulo, bagay na hindi sinang-ayunan ni Robredo dahil hindi umano ito makabubuti sa laban para sa gender equality.

LATEST

LATEST

TRENDING