Mga tao, ‘di aalis ng bahay hangga’t walang Covid-19 vaccines: Salceda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Albay 2nd District Rep. Joey Salceda

Hindi umano gaganana ang panawagan na isailalim ang bansa sa modified general community quarantine kung hindi naman aalis sa kani-kanilang mga tahanan ang mga tao dahil sa kawalan ng Covid-19 vaccines, giit ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda noong Miyerkules.

Ito ang naging tugon ng kongresista sa panukala ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na naghikayat sa pamahalaan na paluwagin ang quarantine protocols sa bansa simula Marso 21 upang makabangon ang ekonomiya.

“I think you need to ramp up the vaccine first. I think with the kind of vaccine program we have, I doubt whether he will get the results he wants,” ani Salceda.

Dagdag pa nito, “Hindi ko sinasabing irrelevant ‘yong sinabi ni [Secretary] Chua. Ang sinasabi ko, kahit sumigaw ka pa diyan, hindi naman lalabas ‘yong mga tao kasi walang bakuna.”

Ayon kay Salceda, na namumuno sa House ways and means committee, wala pa siyang nakitang kahit ano sa vaccination drive ng bansa.

Aniya, “‘Yong distribution rollout system natin, I haven’t seen anything actually, at least from the congressional review of the vaccination program.”

“So, where are the cold storage [facilities]? Where are the all sorts of other things that are necessary? Have you trained the people we need to vaccinate? In short, all logistical requirements for you to get successful and more effective rollout of vaccines,” giit ng kongresista.

Unang sinabi naman ni Chua na nawawalan ng P1.04 trilyon ang bansa, o nasa average na P2.8 bilyon kada araw, simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso 2020.

LATEST

LATEST

TRENDING