Malacañang: Guidelines para sa ‘new normal’, ‘di pa nailalabas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hindi pa nailalabas ang mga guidelines na gagabay para sa deklarasyon ng “new normal” sa ilang mga lugar sa bansa, giit ni Malacañang noong Miyerkules.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na “in principle” ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang new normal para sa quarantine level sa mga lugar na walang transmisyon ng Covid-19.

“‘Yan naman po talaga ay napag-usapan na ng ating IATF at ang inaantay lang po natin ay iyong mga do’s and don’ts,” ani Roque sa isang televised interview.

Tatalakayin niya umano ang isyu sa susunod na pagpupulong ng IATF.

Unang sinabi ni Roque na makapagbibigay ng pag-asa ang bagong quarantine level.

Aniya, “Sa ngayon po magkaroon tayo ng pag-asa talagang may katapusan itong COVID-19 pandemic na ito dahil although wala pang bakuna, may mga lugar nang walang transmission.”

Samantala, inirekomenda naman ngayong linggo ng National Economic and Development Authority (NEDA) na isailalim ang buong bansa sa modified general community quarantine simula Marso upang matugunan ang taggutom at kawalan ng hanapbuhay ngayong may pandemiya.

Kasalukuyan umanong pinag-aaralan ng Pangulo ang nasabing mungkahi.

LATEST

LATEST

TRENDING