Lacson, hinikayat si Duterte na basahin ang Konstitusyon kaugnay ng VFA isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Panfilo Lacson

Sinabihan ni Sen. Panfilo Lacson noong Martes si Pangulong Rodrigo Duterte na basahin ang 1987 Constitution matapos hindi magustuhan ng Pangulo ang naging komento ng senador na sinabing “extortion” umano ang balak na paniningil sa Estados Unidos kung nais nitong panatilihin ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Lacson, mas makabubuti umano ang diplomatikong approach sa halip na pagbantaan ang US upang mapanatili lamang ang pagiging epektibo ng VFA.

Tugon naman ni Duterte, siya ang punong arkitekto sa foreign policy ng bansa at wala umanong papel dito sa Lacson.

“Mr President, read the 1987 Constitution. A senator has something to do with international agreements: Article VII SECTION 21. No treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all the Members of the Senate,” sagot naman ni Lacson sa Pangulo sa pamamagitan ng isang tweet.

Sa isang panayam sa Teleradyo, pinabulaanan ng senador ang naging pahayag ni Duterte na siya lamang ang makapagbabasura ng mga treaties ng bansa. May papel umano ang Senado tungkol sa terminasyon o kanselasyon ng isang internation agreement.

“May I respectfully remind the President na basahin ‘yong Constitution,” giit ni Lacson.

Ayon sa senador, pagpapasyahan pa ng Korte Suprema kung kinakailangan ang pagsang-ayon ng mga senador sa kanselasyon ng mga accords.

Aniya, “Lalong may sense ‘yong aking sinasabi na teka muna, hindi totoong I have nothing to do with it. Kasi sitting senator ako, I have something to do with it.”

LATEST

LATEST

TRENDING