Korte Suprema, ibinasura ang electoral protest ni Bongbong Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Dating Senador Bongbong Marcos

Nagkaisa ang mga mahistrado ng Korte Suprema, na nagtipon bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), upang ibasura ang inihaing election protest ni dating senador Bongbong Marcos laban sa katunggali niyang si Pangalawang Pangulo Leni Robredo, dahil sa mga anomalya aniya noong 2016 vice-presidential elections.

“Today, 16 February 2021, the Supreme Court sitting as the Presidential Electoral Tribunal unanimously dismissed the electoral protest filed by former Senator Bongbong Marcos Jr. against Vice President Leni Robredo,” pahayag ni Supreme Court (SC) spokesman Brian Keith Hosaka

Ayon sa isang soruce, nabigo umano ang kampo ni Marcos na patunayang nagkaroong ng pandaraya noong 2016 elections.

Generic at paulit-ulit aniya ang mga alegasyon ng dayaan ni Marcos subalit walang binanggit na partikular na mga detalye kagaya ng ng oras, lugar at paraan ng pandaraya.

Aniya, “[The] allegations were bare, laden with generic & repetitious allegations, no critical information as to time, place, and manner of irregularities.”

Ikinatuwa naman ni Robredo ang naging kapasyahan ng PET.

“Ang hinihingi ko lang sa lahat lalo na siguro sa supporters natin is to put this rancor behind us and let us move forward together. Maraming pinagdadaanan ‘yung ating bansa ngayon. Marami tayong kahirapan na pinagdadaanan. Isantabi muna natin, isantabi muna natin ‘yung mga sama ng loob, isantabi muna ‘yung mga hindi pagkakaintindihan, isantabi muna ‘yung away, kasi maraming umaasa sa ‘tin,” giit ng bise-presidente.

LATEST

LATEST

TRENDING