Gobyerno, hinikayat na hintayin ang Covid-19 vaccine rollout bago paluwagin ang quarantine protocols

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Dapat maghintay ang gobyerno para sa pag-uumpisa ng Covid-19 vaccination program bago nito paluwagin ang quarantine protocols sa buong bansa, partikular na sa Metro Manila, pagbibigay diin ni Senate Majority Leader Migz Zubiri noong Martes.

Ayon sa senador, ito aniya ang “safer avenue to take” bago isailalim ang buong bansa sa pinakamaluwag na modified general community quarantine — isang munagkahing isinusulong ng National Economic Development Authority (NEDA).

“I think we need to do that first, let’s wait for the vaccines to come,” ani Zubiri sa isang panayam sa The Source ng CNN Philippines. 

“What we’re saying is the only way to bring back the economy is through the vaccination program. We really have to focus on that.”

“[When] we’ve already vaccinated how many million Filipinos, then maybe we can start with the MGCQ. But I think that’s the safer avenue to take,” dagdag pa ng senador.

Unang iminungkahi ni Acting NEDA chief Karl Chua ang pagtransisyon ng buong bansa sa MGCQ sa isang televised meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga opisyal noong Lunes, sapagkat kinakailangan umano ng bansa na makarekober mula sa pagbagsak ng ekonomiya. Ang pagpapatuloy umano ng lockdown ay makapagpapalala lamang ng kagutuman at kahirapan.

Ayon naman kay Zubiri, hindi magiging madali ang pagbubukas ng Metro Manila, na nasa ilalim ng GCQ, sapagkat ito ay  “one of the most densely populated areas in the world.”

Aniya, “Lahat ng mga kabataan ay makakalabas na. Ang tao makakaikot na freely… and you know sometimes we do forget our rules.”

“So it’s very difficult at this point in time, with the new variants in place pa,” diin ng senador.

Ikinabahala rin ni Zubiri ang kawalan ng signed supply agreements sa vaccine manufacturers, subalit kinilalang may hamon pagdating sa global supply ng vaccines.

LATEST

LATEST

TRENDING