Duterte, ipinag-utos ang public info campaign tungkol sa Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at Presidential Spokesperson Harry Roque na maglunsad ng isang public information campaign tungkol sa Covid-19 vaccines nang dalawang beses bawat linggo.

Layunin nito aniya ang makapagbigay-impormasyon at makapagpaigting sa tiwala ng taumbayan hinggil sa isasagawang vaccination drive ng pamahalaan laban sa Covid-19.

Ayon sa Pangulo, dapat magsagawa ng briefing nang dalawang beses bawat linggo sina Galvez at Roque alinsunod sa hangarin ng gobyerno na makapagbigay ng makatotohanang impormasyon tungkol sa pagbabakuna kontra Covid-19.

Inaasahang darating sa bansa ang unang batch nga mga bakuna na galing sa China.

Nauna ring inihayag ng pamahalaan na malapit nang dumating ang 117,000 doses ng Pfizer Covid-19 vaccines ngayong buwan na siyang gagamitin sa pagbabakuna ng mga medical health workers sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING