DOH: Contact tracing at surveillance system sa Metro Manila, ‘may kakulangan’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Posible pang mas mapabuti ang contact tracing at surveillance para sa pagtukoy ng Covid-19 cases sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila, giit ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules, kasabay nang pagpapaluwag sa quarantine protocols habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso.

Nang tanungin kung natutugunan ng LGUs ang mga hamon sa pagpapaluwag ng mga restrictions, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may mga kakulangan pa ang mga ito.

Aniya, “Here in Metro Manila we can see itong ating mga cities and lone municipalities ay medyo may kakulangan pa po especially with contact tracing system and the surveillance systems.”

Sinabi ni Vergeire na palagi silang nakikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa mga alkalde ng Metro Manila upang sila ay gabayan sa kanilang Covid-19 response.

“So the capacity will be there and eventually makakapagbukas tayo,” sabi ng opisyal.

Ang Metro Manila, na siyang economic capital ng Pilipinas, ay nananatiling sentro ng Covid-19 pandemic sa bansa, kung saan naobserbahan ng DOH ang pagtaas sa bilang ng mga kaso sa walong lungsod bagama’t nag-uumpisa nang mag-plateau ang Covid-19 cases sa buong bansa. 

LATEST

LATEST

TRENDING