WHO, binigyan ng emergency use listing ang AstraZeneca/Oxford Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inilista ang AstraZeneca/Oxford Covid-19 vaccine ng World Health Organization (WHO) para sa emergency use noong Lunes, kung saan nangangahulugan itong maaari na itong ipamahagi sa buong mundo sa pamamagitan ng COVAX.

“Today we have even more reason to be hopeful of bringing the pandemic under control,” pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang news briefing sa Geneva.

“Today, WHO gave emergency use listing to two versions of the Oxford-AstraZeneca vaccine, giving the green light for these vaccines to be rolled out globally through COVAX,” dagdag pa ng opisyal.

Ipinaliwanag ni Tedros na ang “dalawang versions” ay parehong bakuna na ginagawa ng dalawang magkaibang producers – ang AstraZeneca-SKBio at Serum Institute of India. Nangangailangan ang mga ito ng hiwalay na reviews at approvals sapagkat ginagawa ang mga ito sa ibang production plants.

Ang emergency use listing ay nagsusuri sa kalidad, kaligtasan, at efficacy ng Covid-19 vaccines at ito ay prerequisite upang maging bahagi ang mga ito ng COVAX supply, pati na rin ang pagpapahintulot sa mga bansa na pabilisin ang kani-kanilang regulatory approvals, ayon naman sa isang WHO news release noong Lunes.

LATEST

LATEST

TRENDING