Maliliit na negosyo, hinikayat na pagsama-samahin ang orders ng Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ang mga maliliit na negosyo na nais lumahok sa hakbang ng pribadong sektor na kumalap ng Covid-19 vaccines para sa kanilang mga empleyado ay dapat pagsama-samahin ang kanilang mga orders, pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion noong Lunes.

Ayon kay Concepcion, na founder din ng Go Negosyo, itinalaga aniya ang Unilab upang hawakan ang mga orders ng pribadong sektor para sa Covovax vaccine, kung saan ang minimum order ay 200 doses.

Ang mga maliliit na kumpanya naman ay puwedeng bumili sa pamamagitan ng pag-consolidate sa kanilang mga orders, kung saan kasama rin ang mga miyembro ng pamilya ng bawat empleyado alinsunod sa priority list ng pamahalaan.

Ang Covovax vaccine ay dinivelop ng Novavax at na-manufacture ng Serum Institute of India (SII). 

Ayon sa opisyal, ang huling private sector briefing ng Go Negosyo tungkol sa Novavax vaccines ay dinaluhan ng mga 1,500 participants na kumakatawan sa 800 kumpanya.

Aniya, “We have never hit this number of people ever since we’ve launched the ‘A Dose of Hope,’ so that shows that everybody here is eager to get out of this pandemic.”

Ang indicative cost umano para sa bakuna ay kasalukuyang nasa P1000 per dose, exclusive ng VAT, inclusive ng logistics at delivery nationwide sa government-approved vaccination hospitals at sites. 

Subalit, hindi kasama rito ang halaga ng pagtuturok ng mga bakuna, kung saan nakadepende ito sa ospital o site kung saan gaganapin ang vaccination.

LATEST

LATEST

TRENDING