Gobyerno, hinikayat na pabilisin ang vaccination drive sa halip na paluwagin ang restrictions

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Veejay Villafranca (Bloomberg)

Hinikayat ang national government na pabilisin ang vaccination drive nito bago paluwagin ang quarantine restrictions sa buong bansa, giit ng OCTA Research Group noong Martes.

Unang inihayag ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na umaasa siyang papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa buong bansa sa modified general community quarantine simula Marso 21.

Ang dahan-dahang pagpapaluwag sa restrictions ay naging “matagumpay” umano sa pagtugon sa Covid-19 cases sa Metro Manila, na kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine, ayon kay OCTA Research Group fellow Guido David.

Aniya, “Kung suddenly magbubukas tayo talagang may risk na tumaas ang bilang ng mga kaso lalo na hindi pa natin nagagawa yung complete biosurveillance, di natin alam yung extent kung gaano karaming variant na rito.”

“Sana nga ‘yun ‘yung mapabilis ‘yung bakuna, hindi ‘yung MGCQ (modified general community quarantine) ang mapabilis,” pagbibigay diin nito.

Nangamba rin si David sa panukala ni Chua na palawigin ang kapasidad ng pampublikong transportasyon at pahintulutan ang mga batang edad 5 hanggang 7 na makalabas ng kani-kanilang mga tahanan.

“Nakakagulat talaga yan. Mahirap pang ipasunod sila sa health protocols. Sana nakarollout na tayo ng bakuna, i-fastrack natin ang bakuna natin, yun ang priority,” ani David.

Iginiit nitong ang mga edad 16 pababa ay hindi pa eligible na tumanggap ng bakuna, kung saan posible umanong maging carriers o superspreaders ang mga ito.

“Sa palagay natin malaking factor yan kasi kung di sila mababakunahan, ‘yung bagong variant sinasabi nila mas nakakahawa sa kabataan. Ang problema is magiging carrier sila,” sabi ni David.

LATEST

LATEST

TRENDING