Velasco: Franchise renewal ng ABS-CBN, ‘maghihintay’ hanggang sa susunod na Kongreso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco noong Huwebes na ang panawagan para sa renewal ng prangkisa ng broadcasting network na ABS-CBN ay tatalakayin nalang kapag nahalal na ang mga bagong kongresista sa 2022.

Aniya, “Calls to revive the franchise of ABS-CBN will have to wait until the next Congress.”

Ayon kay Velasco, kasalukuyang nakapokus ang Kamara sa pagkumpleto sa mga natitirang priority measures ng Duterte administration habang humigit kumulang isang taon na lang bago ang 2022 elections. Tinatrabaho umano ng Mababang Kapulungan ang Bayanihan 3 at iba pang economic bills upang tugunan ang epekto ng Covid-19 pandemic.

Binasag ni Velasco ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu ilang araw matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangan niya ang pagbabalik-operasyon ng ABS-CBN kahit pa bigyan ito ng bagong prangkisa. Sinabi ng Pangulo na hindi niya papahintulutan ang National Telecommunications Commission na bigyan ng permit to operate ang nasabing network hangga’t bayaran nito ang mga hindi pa nababayarang buwis – isang alegasyong pinabulaanan na ng Bureau of Internal Revenue at Securities and Exchange Commission.

Nawala sa ere ang network noong Mayo 2020 matapos mag-expire ang prangkisa nito. Noong Hulyo, tinanggihan naman ng mga mambabatas ang franchise renewal nito.

Noong nakaraang buwan, naghain ng panukalang batas si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto na layong bigyan ng bagong prangkisa ang network. Naghain din ng kaparehong bill si Senate President Vicente Sotto III sa Senado.

LATEST

LATEST

TRENDING