PRRD, sesertipikahang urgent ang isang bill na layong paluwagin ang pagbili ng Covid-19 vaccines ng LGUs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sesertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasa ng isang panukalang batas na layong paluwagin ang procurement rules sa mga pamahalaang lokal pagdating sa pagbili ng Covid-19 vaccines, paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Huwebes.

“PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) will inform Congress that it is an urgent admin bill,” ani Roque.

Sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa isang Senate hearing noong Huwebes na kasalukuyan nang tinatrabaho ang presidential certification para sa nasabing bill.

“We are now drafting [the certification] for the President to make this bill an urgent bill so that it would be passed immediately,” ani Galvez.

Sa ilalim ng Senate Bill 2042, pahihintulutan ang mga local governments na “direktang” bumili ng mga bakuna kontra Covid-19.

Sa Senate version, puwedeng makapagbayad ang local governments nang hanggang sa 50% na down payment sa Covid-19 vaccines kung ire-require ng manufacturers sa panahon ng state of calamity dahil sa pandemiya, na epektibo hanggang Setyembre 12, 2021.

Isang kaparehong panukala ang inihain naman sa Kamara.

LATEST

LATEST

TRENDING