Mobile vaccine clinic ng PH Red Cross, na-deploy na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Philippine Red Cross Chairman Sen. Richard Gordon
Larawan mula sa: Philippine Red Cross Facebook Page

Na-deploy na ng Philippine Red Cross (PRC) ang mobile vaccine clinic nito na makakapagbakuna sa tinatayang nasa 183 ng mga bata sa Metro Manila laban sa measles at rubella, pahayag ng isang opisyal noong Linggo.

Sa ngayon, nakatulong na ang Red Cross sa pagbabakuna sa tinatayang nasa 175,000 na kabataan laban sa polio, measles at rubella sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at buong Visayas, sabi ni PRC head for health services Mark Abrigo.

Aniya, “‘Pag dumating na po ang COVID-19 vaccination, tutulong ulit po ang Philippine Red Cross. Nandyan po tayo, nakahanda ang ating vaccination team.”

Ang nasabing mobile vaccine clinic ay mayroon umanong cold storage facility at 2 inoculation stations.

“Gusto rin natin praktisin pa ito at gamitin ‘pag dumating na ‘yung COVID-19 vaccine sa mga susunod na buwan,” dagdag pa ni Abrigo.

Layunin ng humanitarian organization na kumalap ng 6,000 na karagdagang mga boluntaryo para sa Covid-19 vaccination drive nito, wika ni Abrigo.

LATEST

LATEST

TRENDING