Mga Pinoy hinikayat na mag-travel habang bumabangon ang mga hotels

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hinikayat ng isang grupo ng hotels at resorts noong Linggo ang mga Pilipino na bumiyahe habang mariing sinusunod ang health protocols habang nasa gitna pa ng Covid-19 pandemic ang bansa.

“Local tourism lang talaga ang inaasahan namin. Sabi ko nga, ‘Be a hero, you travel and help us out also’,” sabi ni Christine Anne Ibarreta, pangulo ng Hotel Sales and Marketing Association na mayroong 155 members.

Binawasan ng mga hotels ang kanilang presyo nang “mahigit 50 percent,” kasama ang breakfast, lunch, at dinner, dagdag pa ni Ibarreta.

Aniya, “We have to hold on and we’re still positive as Filipinos, hoteliers na malalagpasan namin ito. Kaya, please travel and help us out.”

Para sa Valentines’ Day, ang staycation sa hotels o para sa mga pinapayagang mag-operate para sa mga biyahero ay mayroong occupancy rate na mahigpit 30 percent, ayon kay Ibarreta.

“Tumaas siya kasi dati, 5-10 percent. Nakakaawa talaga,” sabi nito.

“In terms of occupancies, madami po ang occupancy ng quarantine hotels kasi maraming OFWs na dumating. For the staycation hotels, medyo kailangan po ng push. Yung F&B (food and beverage) talaga medyo pumatok ngayon,” dagdag pa ni Ibarreta.

Hinihikayat ang publiko na magpa-reserve bago ang kanilang pananatili at maging handa sa confirmatory swab test result.

Aniya, “The hotels still follow the safety guidelines. Merong masks, pag-check ng temperature and face shield din. Hotel employees are (also) safe rin.”

“Everything is safe and we make sure, we follow the DOT-IATF (Department of Tourism – Inter-Agency Task Force against COVID-19) guidelines po,” dagdag pa niya.

Kasabay nang temporary shutdown ng Makati Shangri-la at pagsasara ng Legend Villas, umaasa si Ibarreta na hindi susunod ang kanilang mga miyembro, kundi “many more lives will be affected.”

LATEST

LATEST

TRENDING