Lacson: PH, mababansagang ‘nation of extortionists’ dahil sa paniningil ni PRRD sa US tungkol sa VFA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Panfilo Lacson

Ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na “magbayad” ito kung nais nitong panatilihing epektibo ang Visiting Forces Agreement (VFA) ay puwedeng makapagbigay ng impression na “nation of extortionists” ang Pilipinas, diin ni Senador Panfilo Lacson noong Linggo.

Ayon sa senador, mas makabubuti umano ang diplomatikong estratehiya sa paghikayat sa US na panatilihin ang kasunduan sa bansa.

“The President may have used strong words to send his message across to the US. But certainly, there is a more civil and statesmanlike manner to ask for compensation from a longtime ally using the usual diplomatic channels and still get the same desired results,” pahayag ni Lacson.

Sa ngayo’y burado nang tweet, sinabi ni Lacson na dapat bigyan ng Pangulo ng “elbow room” ang kabilang partido sa halip na “tanggalan ito ng dignidad.”

Aniya, “I decided to take it down after giving it a thought that the President’s intention was to get a fair shake of the agreement, only he could have said it in a more diplomatic way. On crucial issues such as this, there should be no room for misinterpretation or misunderstanding moving forward.”

Una ring tinawag ni Lacson, na chairperson ng Senate Committee on National Defense, ang pansin ni Duterte dahil sa pagiging “mapagbanta” umano ng Pangulo sa US patungkol sa kasunduan nito sa Covid-19 vaccines.

Noong nakaraang taon, unilateral na kinansela ng Pangulo ang dalawang-dekadang VFA, bilang galit na pagtugon sa pagkansela ng Amerika sa visa ng isa nitong kaalyado.

LATEST

LATEST

TRENDING