IATF, dinagdagan ang mga establisyimentong puwedeng magbukas sa ilalim ng GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: InterAksyon

Nadagdagan ang mga establisyimentong pinapahintulutang makapag-operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), pahayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ang mga ito ay ang sumusunod:

• Sinehan
• Video at interactive game arcades
• Libraries
• Archives 
• Museums
• Cultural Centers

Aprubado na rin ang limitadong pagbubukas ng mga parke, theme park, natural sites, at historical landmarks.

Kasama rin sa mga pinahintulutan ang mga meeting, incentive conferences, at exhibitions. Puwede na rin ang limitadong social events sa mga establisimyentong accredited ng Department of Tourism. 

Subalit, dapat sumunod na parin sa patakarang ilalabas ng mga opisyal ang operating capacity. Itinaas din sa 50 percent ang kapasidad sa mga religious gathering.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagdesisyon ang task force na luwagan ang mga paghihigpit upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiyang naparalisa ng pandemiya at upang mabigyan ang pagkakataong makapaghanapbuhay ang ilang mga mamamayan.

Aniya, “Alinsunod ito sa katotohanan na kailangan nating magbukas pa ng ekonomiya dahil kinakailangan magkaroon ng karagdagang hanapbuhay ang ating mga kababayan.”

Nakita rin aniya ng IATF ang mababang utilization rate ng mga health care facilities sa mga lugar na nasa GCQ, kung saan isa ito sa mga batayan sa pagpapaluwag o paghihigpit ng quarantine protocols.

LATEST

LATEST

TRENDING