Gobyerno, puspusan ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa Covid-19 vaccines: Vergeire

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Inaasahang darating sa bansa ang unang batch ng Covid-19 vaccine doses mula Pfizer-BioNTech ngayong buwan, kung saan gagamitin ito upang bakunahan ang mga health workers.

Habang hindi pa nakararating ang mga nasabing bakuna, puspusan ang paghahanda ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon sa publiko hinggil sa pagbabakuna kontra Covid-19.

“We have our townhall meetings sa iba’t ibang sektor para makapagbigay impormasyon,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Dagdag pa nito, “Sana ho magkaroon ng kumpiyansa. Sinisiguro ng gobyerno na hindi tayo bibili ng bakuna na makakasama sa kanila. Ito’y sisiguraduhing ligtas at magiging epektibo para sa populasyon.”

Ayon sa opisyal, posible umanong dumating sa bansa sa ikalawa o ikatlong linggo ng buwan ang mga bakuna.

Aniya, “Ang unang darating na batch ay ‘yung sa COVAX na 117,000 na Pfizer vaccines.”

“Maybe after 3 to 5 days we can already roll it out,” dagdag pa ni Vergeire.

Bibigyang prayoridad ng gobyerno ang pagbabakuna sa nasa 1.7 milyong health workers. Subalit, kinakailangan pa itong iberipika sapagkat kabilang sa mga binibilang ang lahat ng kawani ng mga ospital.

Ayon kay Vergeire, susundin nila ang inaprubahang framework ng inter-agency task force na inirekomenda ng mga eksperto kaugnay ng pagpapatupad ng vaccination program.

“’Yung 117,000 ilalagak natin dito po sa ating priorities— sinabi ko nga po geographic burden and that is National Capital Region which has the highest burden, and among the National Capital Region, nag-sub-prioritize pa kami para matukoy sino sa mga ospital muna ang bibigyan natin,” ani Vergeire.

Maliban sa mga Pfizer vaccines, inaasahang darating naman sa susunod na buwan ang mga bakunang gawa ng AstraZeneca sa pamamagitan ng COVAX facility, na pinangungunahan ng World Health Organization.

LATEST

LATEST

TRENDING