PRRD, sinabing hindi kwalipikadong maging Pangulo si Robredo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo at Pangulong Rodrigo Duterte

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pangalawang Pangulo Leni Robredo, dahil sa naging pahayag nito tungkol sa balak ng Pangulo na singilin ang Estados Unidos tungkol sa pagpapanatili ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa bansa.

Ayon kay Robredo, isa umano itong uri ng “extortion.”

Sa kanyang lingguhang address sa publiko, sinabihan ni Duterte si Robredo na huminto sa pagkokomento sapagkat may mga atraso umano ang US sa bansa.

Aniya, “Itong kay Robredo, sabi ko nga ma’am, kung ikaw ang presidente, hindi mo alam ang trabaho mo, dapat alam mo ‘yan kasi abogado ka. You should not open your mouth when we are negotiating because maraming kasalanan ang Amerika sa atin.”

Binanggit din ni Duterte na hindi kwalipikado si Robredo upang maging Pangulo.

“I’m sorry to say, you are not really qualified to run for president. You do not know your role in this government… Foreign relations with other countries is vested on the president alone,” wika ni Duterte.

Sa kanyang radio show noong Linggo, tinuligsa ni Robredo ang pahayag ng Pangulo sa talumpati nito noong nakaraang linggo kung saan inihayag nito na ang responsibilidad ng US patungkol sa VFA ay “hindi libre.”

“Parang extortion lang. Parang kriminal eh, kung gusto mo nito magbayad ka muna,” giit ni Robredo.

“Every time she opens her mouth…she forgets that she’s a lawyer. And being a lawyer, she should know that the Constitution says that…that is my function. That is not her function. At kung anong gusto kong sabihin para sa aking bayan, may purpose ‘yan. Hindi kasi nila alam,” tugon naman ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, unti-unti umanong nagiging base militar ng Amerika ang Subic. Subalit, hindi ito nag bigay ng karagdagang detalye tungkol dito at sinabi lamang na may mga ulat siyang natatanggap mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

LATEST

LATEST

TRENDING