Comelec, nanawagan sa mga eligible voters na magparehistro

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
COMELEC spokesperson James Jimenez

Nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga eligible voters noong Sabado na magparehistro na, habang pinalawig nito ang pagpaparehistro tuwing Sabado simula Pebrero 20 upang maabot ang layunin nitong magrehistro nang karagdagang 4 milyong botante para sa 2022 Presidential elections. 

“Ang registration simula Feb. 20 ay hanggang Sabado na. Pwede na kayong magparehistro ng Sabado mula alas-8 hanggang alas-5 at huwag natin sasayangin ang pagkakataon maging parte ng demokarasya,” paglilinaw ni COMELEC spokesperson James Jimenez.

Ayon kay Jimenez, mababa pa rin ang voter registration turnout sa ngayon.

“Since September 1, kulang-kulang na 1.3 million pa lang ang narerehistro natin at mahigit kumulang 4 million pa ang hahabulin natin,” sabi nito.

Ang mga eligible voters na nagbabalak magparehistro ay puwedeng magtungo sa mga tanggapan ng Comelec sa kani-kanilang mga munisipalidad o lungsod.

Aniya, “’Yung satellite registration hopefully by the end of this month meron na tayong ma-announce na schedule para diyan pero for now extended muna sa weekends pero sa Comelec office pa rin.”

Inaprubahan din umano ng komisyon ang overtime pay para sa mga kawani nito upang i-accomodate ang voters’ registration tuwing weekends.

“Palagi nating sinasabi na talagang kakailanganin ng ganitong klaseng sakripisyo on all sides kasi nga napakalayo ng expectation natin versus what we actually have right now,” wika ni Jimenez.

Tiniyak naman ng Comelec spokesperson sa publiko na ligtas ang kanilang mga tanggapan at nasusunod ang health protocols sa mga ito. Hinikayat din nito ang mga nagnanais magparehistro na magsuot ng face masks at face shields at tiyaking dala ang mga kinakailangang dokumento sa pagpaparehistro.

Aniya, “We would encourage you to please make an appointment kasi kapag pumunta ka doon at walk-in ka lang ay hindi ka bibigyan ng priority.”

Nagpaalala rin ito na ang unang step ay ang pagpunta sa irehistrocomelec.gov.ph at pag-fill up ng application form. 

I-download ang form at dalhin ang back-to-back copy na naka-print sa isang long bond paper sa Comelec center, kasama ang iba pang mga dokumento tulad ng valid government ID na mayroong residence information. Kung walang residence information ang valid ID, puwede ring magdala ng iba pang dokumento tulad ng proof of billing.

LATEST

LATEST

TRENDING