SWS: 50% ng mga Pinoy, ‘very happy’ sa kanilang love life

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tinatayang nasa 39 percent o maliit sa kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing ipagdiriwang nila ang Araw ng mga Puso ngayong taon, samantalang kalahati naman sa respondents ang nagsabing masaya sila sa kanilang love life, ayon sa Social Weather Stations (SWS) noong Biyernes.

Ayon sa survey na isinagawa ng SWS mula Nobyembre 21-25, 2020, 31 percent ang hindi pa tiyak kung ano ang gagawin nila sa Araw ng mga Puso, habang 27 percent naman ang nagsabing hindi nila ito ipagdiriwang.

“The latest percentage of those with a very happy love life is the lowest since the 49 percent in 2014… On the other hand, the latest percentage of those with no love life is a new all-time high that surpassed the previous record of 14 percent in 2016, 2017, and 2019,” pahayag ng SWS.

“Fifty percent among those with a very happy love life would celebrate Valentine’s Day compared to… 13 percent among those with no love life who would also celebrate Valentine’s Day,” dagdag pa nito.

Napag-alaman din sa survey na mahigit kalahati o 58 percent ng mga respondents na edad 34 hanggang 44 ang “very happy” sa kanilang mga relasyon. 54 percent naman ng mga edad 25 hanggang 34 ang nagsabing pinakamasaya sila sa kanilang partner, na sinundan naman ng mga edad 45 hanggang 54 sa 51 percent, at 55-anyos pataas sa 49 percent.

“The survey found 50 percent among both men and women saying they are very happy with their love life… Married men and married women also have a happier love life than their single and with-live-in-partner counterparts,” paliwanag ng SWS.

1,500 adults ang nakapanayam sa isinagawang survey noong Nobyembre.

Ang sampling error margins ay ±2.5% para sa national percentages, ±4% para sa Balance Luzon, at ±6% naman para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

LATEST

LATEST