Ilang senador, sang-ayon magpaturok ng Covid-19 vaccine sa harap ng publiko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sumang-ayon ang ilang senador na maturukan ng Covid-19 vaccine sa harap ng publiko, upang patunayan sa taumbayan na “efficient and safe” ang mga nasabing bakuna. 

Sa isang pahayag, iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na nais niyang mag-“lead by example.” 

Aniya, “Kung makikita ng ating mga kababayan na handa ang kanilang mga lider na magpabakuna sa kabila ng malawakang pagdududa kung ang mga bakuna ba ay epektibo o hindi, malamang ay ma-engganyo ang nakararami na makilahok sa vaccination program ng Malakanyang.”

Ang vaccination program ng pamahalaan ay hindi pa rin pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino, ayon sa ilang kamakailang surveys, kung saan maaari nitong maapektuhan ang mga isinasagawang hakbang laban sa Covid-19 pandemic. Ang vaccination program ay inaasahang aarangkada pagkarating ng unang batches ng bakuna ngayong buwan.

Dahil sa vaccine hesitancy, inilarawan ni Sotto ang information drive ng pamahalaan tungkol sa Covid-19 vaccines bilang “failure”.

“Hanggang ngayon ay punong-puno pa rin ng alinlangan ang ating mga kababayan kung epektibo nga ba ang mga binibiling bakuna ng Department of Health. Marami pa rin ang nagdadalawang-isip kung sila ba ay magpapabakuna o hindi,” ani Sotto. 

Inihayag naman ng tagapagsalita ni Sen. Manny Pacquiao na nais din ng mambabatas ang magpabakuna sa harap ng publiko.

“He (Pacquiao) is very willing to be vaccinated. In fact last year the idea came from him personally but we just have to be extra careful and prudent because it may affect his upcoming professional fight,” wika ni Ron Munsayac.

Pabor din si Sen. Christopher “Bong” Go na magpaturok ng bakuna sa harap ng publiko upang mapalakas ang vaccine confidence nito.

Aniya, “Willing po kami magpa-bakuna po sa publiko… bilang senador. hindi naman po ibig sabihin na kami po ay prayoridad, mas gusto po naming maunang mabakunahan ang mga mahihirap.”

“Ngunit kailangan nating makuha po ang kumpyansa ng bawat Pilipino para pumayag din po silang magpabakuna,” dagdag pa ni Go.

Noong Miyerkules, inihayag din ni Sen. Grace Poe na nais niyang magpabakuna sa harap ng mata ng publiko.

“I’d ike to say that we would be able to assure the public that this is the best defense for now against the virus, and I’d like to protect myself as well as my loved ones and the people I work with,” sabi ni Poe. 

“I think it’s a responsible step for me to being vaccinated. And I encourage those to also have it done,” dagdag pa ng senadora.

Kasama rin sa mga senador na handang magpabakuna ay sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. Sherwin Gatchalian.
 
“Yes, [I] am willing. Hope it could provide confidence for our people to consider getting vaccinated,” diin ni Recto.
 
“More than willing. We need to boost the confidence of our people in getting vaccinated,” sabi naman ni Gatchalian.

LATEST

LATEST

TRENDING