IATF, pinayagan ang 50% capacity sa mga simbahan sa GCQ areas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Pinaluwag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga paghihigpit sa mga simbahan nasa ilalim ng under general community quarantine (GCQ), kung saan pinapayagan ang mga itong magpapasok ng tao mula 30% hanggang 50% ng kanilang kapasidad.

Ayon kay IATF Spokesperson Harry Roque noong Biyernes, puwede nang tumanggap ng mas maraming parokyano ang mga simbahan simula Pebrero 15.

Si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ay isa sa mga nag-request para sa pagpapaluwag sa kapasidad ng simbahan. Kinakailangan umano sa ngayon ang serbisyo ng simbahan sapagkat matutulungan nito ang mga tao na makibagay sa pandemiya.

Sa isang panayam naman sa CNN Philippines, inihayag ni Msgr. Bernardo Pantin, secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na kinikilala nila ang kapasyahan ng IATF, habang idinidiin ang kahalagahan ng serbisyo ng simbahan sa taumbayan lalo na ngayong may pandemiya.

Puwede na umanong magpatupad ng mga adjustments sa aktibidad ng simbahan tulad ng kasalan at binyag, habang mariing inoobserbahan ang health protocols.

Para naman sa darating na Ash Wednesday sa Pebrero 17, sinabi ni Pantin na tuyong abo ang ilalagay sa ulo ng deboto upang maiwasan ang hawaan sa Covid-19. Para sa mga nagnanais na ilagay ito sa noo, iminungkahi sa mga ministro ang paggamit ng bulak para sa bawat indibidwal, habang puwede namang bigyan ng sachets ng abo anng mga hindi makadadalo nang pisikal sa mga misa.

Ayon naman kay infectious diseases expert Dr. Gene Solante, suportado niya ang pagtaas sa kapasidad ng mga simbahan basta’t naipapatupad nang maayos ang health protocols.

“Most of our churches have high ceiling and usually have big doors and windows. What is crucial here is the number of people that will be inside at that point of time and as long as they’re implementing strictly physical distancing and wearing of face masks and face shields,” ani Solante.

LATEST

LATEST

TRENDING